Isaiah 34:2
Dahil si Yahweh ay galit sa lahat ng mga bansa, at galit na galit laban sa lahat ng kanilang mga hukbo; sila ay lubos niyang winasak, ibinigay niya sila para katayin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 11:20Dahil si Yahweh ang nagpatigas sa kanilang mga puso para sila ay pumunta at makipaglaban sa Israel, kaya ganap niyang winasak sila, at hindi nagpapakita ng awa sa kanila, gaya sa itinuro niya kay Moises.
Isaiah 13:5Nanggaling sila mula sa malayong bansa na hindi na natatanaw. Si Yahweh ang wawasak ng buong lupain gamit ang kaniyang mga instrumento ng paghahatol.
Isaiah 30:25Sa bawat mataas na bundok at sa bawat mataas na burol, magkakaroon ng mga umaagos na batis at mga sapa ng mga tubig, sa araw ng walang habas na pagpatay sa panahon na bumabagsak ang mga tore.
Isaiah 66:16Dahil pinapatupad ni Yahweh ang paghahatol sa sangkatauhan sa pamamagitan ng apoy at kaniyang espada. Marami ang mapapatay ni Yahweh.
Jeremiah 25:31Isang ingay ang dumating sa dulo ng lupain, sapagkat ang isang hindi pagkakasundo kay Yahweh ay magdadala ng isang pagsasakdal laban sa mga bansa. Mangangasiwa siya ng katarungan sa lahat ng laman. Ipapasakamay niya ang mga masasama sa espada—Ito ang pahayag ni Yahweh.'
Joel 3:9Ipahayag ninyo ito sa mga bansa: 'Ilaan ninyo ang inyong sarili para sa isang digmaan, gisingin ninyo ang mga malalakas na kalalakihan, hayaan silang lumapit at hayaang sumalakay ang lahat ng mandirigma.