Isaias 66:16
Dahil pinapatupad ni Yahweh ang paghahatol sa sangkatauhan sa pamamagitan ng apoy at kaniyang espada. Marami ang mapapatay ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 27:1Sa araw na iyon si Yahweh at ang kaniyang matigas, malaki at mabalasik na espada ay parurusahan ang Leviatan, ang madulas na ahas, ang Leviatan na namamaluktot na ahas, at papatayin niya ang halimaw na nasa dagat.
Isaiah 34:2Dahil si Yahweh ay galit sa lahat ng mga bansa, at galit na galit laban sa lahat ng kanilang mga hukbo; sila ay lubos niyang winasak, ibinigay niya sila para katayin.
Ezekiel 28:18Dahil sa marami mong kasalanan at sa iyong hindi tapat na pangakalakal, dinungisan mo ang iyong mga banal na lugar! Kaya nagpalabas ako ng apoy galing sa iyo; tutupukin ka nito. Gagawin kitang abo sa mundo sa harapan ng lahat na manonood sa iyo.
Ezekiel 38:22At hahatulan ko sila sa pamamagitan ng salot, dugo, napakalakas na mga ulan, at malalaking yelo ng apoy. Pauulanin ko ng asupre sa kaniya at sa kaniyang mga pangkat at sa maraming mga tao na kasama niya.
Revelation 19:11Pagkatapos nakita ko ang langit na bumukas, at nakita ko roon ang isang puting kabayo. Ang nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo. Humahatol siya ng may katuwiran at nakikipagdigma siya.