Isaiah 35:9
Hindi magkakaroon ng leon at mabangis na hayop doon; hindi sila matatagpuan doon, pero ang tinubos ay lalakad doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:13Sa iyong katapatan sa tipan pinangunahan mo ang mga tao na iyong sinagip. Sa iyong kalakasan sila ay iyong pinangunahan patungo sa banal na lugar kung saan ka naninirahan.
Psalms 107:2Hayaang magsalita ang mga tinubos ni Yahweh, ang kaniyang mga sinagip mula sa kapangyarihan ng kaaway.
Isaiah 30:6Isang pagpapahayag tungkol sa mga halimaw ng Negev: Sa iba't ibang dako ng lupain ng kaguluhan at panganib, ng babaeng leon at ng lalaking leon, ang ulupong at ang umaapoy na dragon, ikinakarga nila ang kanilang mga kayamanan sa likod ng mga asno, at ang kanilang yaman sa mga umbok ng mga kamelyo, patungo sa isang grupo ng mga tao na hindi sila matutulungan.
Isaiah 62:10Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga tarangkahan! Ihanda ang daan para sa bayan! Itayo ito, itayo ang daanang-bayan! Alisin ang mga bato! Magtaas ng isang hudyat na bandera para sa mga bansa!
Isaiah 63:4Dahil inaasam-asam ko ang araw ng paghihiganti, at dumating na ang taon para sa aking pagtubos.
Ezekiel 34:25At gagawa ako ng isang tipan ng kapayapaan sa kanila at aalisin ang mga masasama at mababangis na hayop mula sa lupain, kaya ang aking tupa ay mamumuhay ng ligtas sa ilang at matutulog sa mga kagubatan.