Isaias 62:10
Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga tarangkahan! Ihanda ang daan para sa bayan! Itayo ito, itayo ang daanang-bayan! Alisin ang mga bato! Magtaas ng isang hudyat na bandera para sa mga bansa!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 17:15Pagkatapos gumawa si Moises ng altar at tinawag niya itong “Si Yahweh ang aking bandila.”
Isaiah 11:10Sa araw na iyon, titindig ang ugat ni Jesse bilang isang bandila para sa mga tao. Hahanapin siya ng mga bansa, at magiging maluwalhati ang kaniyang lugar ng kapahingahan.
Isaiah 11:16Magkakaroon doon ng malapad na daanan para sa mga nalabing tao na bumalik mula sa Asiria, kung paanong nakadaan ang Israel palabas mula sa lupain ng Ehipto.
Isaiah 35:8Isang malawak na daanan ang naroroon at tinawag iyon na Ang Banal na Daan. Hindi makapaglalakbay dito ang marumi. Pero ito ay magiging sa kaniya na maglalakad dito. Walang hangal ang makapupunta dito.
Isaiah 40:3May isang tinig na sumisigaw, “ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; sa Araba, lumikha ng tuwid na daanan para sa ating Diyos.”
Isaiah 48:20Lumabas kayo mula sa Babilonia! Tumakas kayo mula sa mga taga-Caldea! Sa tunog ng hiyaw ay ipahayag ninyo ito! Ipaalam ninyo ito, paabutin ninyo ito sa dulo ng mundo! Sabihin ninyo, 'Niligtas ni Yahweh ang kaniyang lingkod na si Jacob.'