Isaias 37:26
Hindi mo ba narinig kung paano ko binalak ito noon pa man at gawin ito ng sinaunang panahon? Ngayon, gagawin ko na itog mangyari. Ikaw ay naririto para gawing tumpok ng batong durog ang mga hindi matinag na mga lunsod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 50:20At para sa inyo, ninais niyo na ipahamak ako, pero ninais ng Diyos ito para sa kabutihan, para pag-ingatan ang buhay ng maraming tao, gaya ng nakikita ninyo ngayon.
Psalms 76:10Tunay nga, na ang iyong galit na paghatol sa mga taong iyon ay magdadala sa iyo ng papuri. Ganap mong ipinakita ang iyong galit.
Isaiah 10:15Makakapagmayabang ba ang palakol sa taong gumagamit nito? Pupurihin ba ng lagari ang kaniyang sarili nang higit pa kaysa sa mamumutol na gumagamit nito? O kaya naman kaya bang iangat ng pamalo ang namamalo o ang pamalo ba ay kayang buhatin ang bumubuhat sa kaniya?
Isaiah 25:1Yahweh, ikaw ang aking Diyos; dadakilain kita, pupurihin ko ang pangalan mo; dahil gumawa ka ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na matagal mo nang binalak, sa ganap na katapatan.
Isaiah 46:10Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”
Acts 2:23dahil sa nakatakdang plano at kaalaman ng Diyos mula sa simula pa siya ay isinuko ninyo sa mga kamay ng taong lumalabag sa batas, ipinako siya sa krus at pinatay;