Isaiah 46:10
Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:15Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
Genesis 49:10Hindi mawawala ang setro sa Juda, kahit ang tungkod ng pinuno mula sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang dumating ang Silo. Susunod ang mga bansa sa kanya.
Numbers 24:17Nakita ko siya, ngunit siya ay wala ngayon dito. Tiningnan ko siya, ngunit hindi siya malapit. Isang tala ang lalabas mula kay Jacob, at lilitaw ang isang setro mula sa Israel. Dudurugin niya ang mga pinuno ng Moab at lilipulin lahat ng mga kaapu-apuhan ni Set.
Deuteronomy 28:15Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo.
Psalms 33:11Ang mga plano ni Yahweh ay nananatili magpakailanman, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salinlahi.
Proverbs 19:21Marami ang mga plano sa puso ng isang tao, pero ang layunin ni Yahweh ang siyang mananaig.