Isaias 41:10
Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:1Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.”
Exodus 14:13Sinabi ni Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Manatili at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Yahweh na ibibigay sa inyo ngayon. Dahil hindi ninyo na makikita muli ang mga taga-Ehipto na nakikita ninyo ngayon.
Deuteronomy 31:6Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”
Joshua 1:9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
2 Samuel 22:19Dumating sila laban sa akin sa araw ng aking pagkabalisa, pero si Yahweh ang umalalay sa akin.
2 Chronicles 20:17Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh.”