Isaiah 41:11
Tingnan mo, sila ay mahihiya at manliliit, lahat nang nagagalit sa iyo; sila ay papanaw at maglalaho, silang kumakalaban sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:29Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
Isaiah 29:8Ito ay tulad ng isang nagugutom na tao na nananaginip na siya ay kumakain, pero nang siya ay gumising, walang laman ang kanyang tiyan. Ito ay tulad ng nananaginip na uhaw na tao na umiinom, pero nang siya ay gumising, siya ay nahihilo, dahil ang kanyang pagka-uhaw ay hindi mapawi. Oo, ganoon ang mangyayari sa kawan ng mga bansa na lumalaban sa Bundok ng Sion.
Isaiah 41:24Tingnan mo, ang inyong diyus-diyusan ay walang kwenta, at ang inyong mga gawa ay walang kabuluhan, sinumang pumili sa inyo ay kasuklam-suklam.
Isaiah 45:24na nagsasabing, “Kay Yahweh lamang ang kaligtasan at kalakasan. Ang lahat ng nagagalit sa kaniya ay manliliit sa kahihiyan sa kaniyang harapan.
Isaiah 49:26At ipapakain ko sa mga nang-aapi sa iyo ang sarili nilang laman; at malalasing sila sa sarili nilang dugo, na para bang alak ito; at ang buong sangkatauhan ay malalaman na Ako, si Yahweh, ang iyong Tagapagligtas at Manunubos, ang Makapangyarihan ng Jacob.”
Isaiah 54:17Walang sandata na ginawa laban sa inyo ang magtatagumpay; at isusumpa ninyo ang lahat nang nagpaparatang sa inyo. Ito ang pamana ng mga lingkod ni Yahweh, at kanilang pagbibigay-matuwid mula sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.