Isaiah 41:2
Sinong nagbuyo ng isang ito sa silangan? Sino ang tumatawag sa kaniya sa mabuting kaayusan sa kaniyang paglilingkod? Siya ang nagbigay ng mga bansa sa kaniya at ginawa siyang may kakayahan na pasukuin ang mga hari; sila ay ginawang tulad ng alikabok sa kaniyang espada, parang hinipang pinaggapasan gamit ang palaso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:31Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
Genesis 14:14Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan.
2 Samuel 22:43Hinampas ko sila hanggang maging mga piraso tulad ng alikabok sa lupa, pinulbos ko sila gaya ng putik sa mga kalye.
2 Chronicles 36:23“Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain.”
Isaiah 40:24Tingnan, sila ay bahagyang nakatanim; tingnan, sila ay bahagyang inani; tingnan, sila ay bahagyang nagkaugat sa mundo, bago niya sila hipan, at sila ay nalalanta, at ang hangin ay hihipan sila tulad ng dayami.
Isaiah 41:25Ako ay may isang itinalaga mula sa hilaga, at siya ay dumating na; mula sa pagsikat ng araw tinawag ko siyang tumatawag sa aking pangalan, at kaniyang yuyurakan ang mga pinuno gaya ng putik, gaya ng manggagawa ng palayok na nakatungtong sa luad.