The Bible Software
bible.softwareIsaiahIsaiah 41 › Isaiah 41:25

Isaiah 41:25

Ako ay may isang itinalaga mula sa hilaga, at siya ay dumating na; mula sa pagsikat ng araw tinawag ko siyang tumatawag sa aking pangalan, at kaniyang yuyurakan ang mga pinuno gaya ng putik, gaya ng manggagawa ng palayok na nakatungtong sa luad.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

I have raised up one from the north, and he shall come: from the rising of the sun shall he call upon my name: and he shall come upon princes as upon morter, and as the potter treadeth clay.

In Context

24Tingnan mo, ang inyong diyus-diyusan ay walang kwenta, at ang inyong mga gawa ay walang kabuluhan, sinumang pumili sa inyo ay kasuklam-suklam.

26Sino ang naghayag nito mula nung umpisa, para maaari nating malaman? At bago ang panahon maaari nating sabihin, “Siya ay tama”? Tunay nga na wala nag-utos nito, oo, walang nakarinig na nagsabi ka ng kahit ano.

Read all of Isaiah 41

Cross References

Ezra 1:2Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea.

Isaiah 21:2Isang nakakabagabag na pangitain ang ipinakita sa akin: nagtataksil ang taksil, at nagwawasak ang taga-wasak. Umakyat kayo at lumusob, Elam; lupigin ninyo, Media; ihihinto ko ang lahat ng kaniyang paghihinagpis.

Isaiah 44:28na siyang nagsasabi tungkol kay Ciro, 'Siya ang aking pastol, gagawin niya ang lahat ng naisin ko' - kaniyang ipag-uutos tungkol sa Jerusalem, 'Hayaan siyang muling maitatag,' at ang tungkol sa templo, 'Hayaan na ang pundasyon mo ay mailatag.”

Isaiah 46:10Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”

Jeremiah 51:27“Magtaas kayo ng isang bandila sa mundo. Hipan ninyo ang trumpeta sa lahat ng mga bansa. Italaga ninyo ang mga bansa upang lusubin siya. Ipamalita ninyo sa mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz ang tungkol sa kaniya, magtalaga kayo ng isang pinuno ng mga kawal upang salakayin siya, magdala kayo ng mga kabayo tulad ng napakaraming balang.

Zechariah 10:5Magiging kagaya sila ng mga mandirigmang tinatapakan ang kanilang mga kaaway sa maputik na mga daan sa labanan; makikipagdigma sila sapagkat nasa kanila si Yahweh, at ipahihiya nila ang mga nakasakay sa mga kabayong pandigma.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Isaiah 41:25

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Isaiah 41:24Isaiah 41Isaiah 41:26 →