Isaias 41:24
Tingnan mo, ang inyong diyus-diyusan ay walang kwenta, at ang inyong mga gawa ay walang kabuluhan, sinumang pumili sa inyo ay kasuklam-suklam.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Behold, ye are of nothing, and your work of nought: an abomination is he that chooseth you.
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:25Susunugin ninyo ang mga inukit na hugis ng kanilang diyos; huwag ninyong naisin ang pilak o ginto na nakabalot dito na gusto ninyong makuha para sa inyong sarili, at mabibitag kayo sa pamamagitan nito; dahil kamuhi-muhi ito kay Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 27:15'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
Isaiah 37:19Inilagay nila sa apoy ang kanilang mga diyos, dahil sila ay hindi mga diyos pero gawa ng kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
Isaiah 44:9Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Jeremiah 10:8Pare-pareho silang lahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang.
Jeremiah 51:17Ang bawat tao ay nagiging tulad ng isang hayop na walang kaalaman, ang bawat manggagawa ng bakal ay ipinapahiya ng kaniyang mga diyus-diyosan. Sapagkat ang inanyuang mga imahe ay mga panlilinlang, walang buhay sa kanila.