Isaiah 43:23
Hindi mo dinala sa akin ang alinman sa iyong mga tupa bilang handog na susunugin; ni pinarangalan mo ako ng iyong mga alay. Hindi ko kayo pinahirapan sa mga handog na butil, ni pinagod kayo sa mga handog na insenso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Pero hindi ka tumawag sa akin, Jacob; Ikaw ay nagsawa na sa akin, O Israel.
Cross References
Leviticus 2:1Kapag magdadala ang sinuman ng isang butil na handog kay Yahweh, dapat pinong harina ang kaniyang handog, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ito ng insenso.
Proverbs 15:8Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga pag-aalay ng mga masasamang tao, pero kasiyahan sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid na tao.
Isaiah 1:11“Ano ang silbi ng marami ninyong mga alay sa akin?” sabi ni Yahweh. “Sawa na ako sa mga tupa, at taba ng mga hayop na sinunog niyo para ihandog; at sa dugo ng toro, tupa at kambing, hindi ako nalulugod.
Jeremiah 7:22Sapagkat nang pinalaya ko mula sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno, wala akong hiningi na anuman mula sa kanila. Wala akong ibinigay na utos tungkol sa handog na susunugin at sa mga alay.
Amos 5:25Kayong mga sambahayan ni Israel, nagdala ba kayo ng mga alay at mga handog ninyo sa akin sa ilang ng apatnapung taon?
Zechariah 7:5“Magsalita ka sa lahat ng tao sa lupa at sa mga pari, sabihin mo, 'Nang nag-ayuno at nagdalamhati kayo sa ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon na ito, nag-aayuno ba talaga kayo para sa akin?