Isaias 43:24
Hindi mo ako binilihan ng mabangong tubo gamit ang pera, o binigyan man ng taba ng iyong mga alay; pero binigyan mo ako ng pabigat dahil sa ginawa mong mga kasalanan, pinagod mo ako sa iyong mga masasamang gawain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:23“Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo,
Leviticus 3:16Susunugin ng pari ang lahat ng iyon bilang isang pagkaing handog na gawa sa pamamagitan ng apoy, para magbigay ng isang mabangong samyo. Pag-aari ni Yahweh ang lahat ng taba.
Psalms 50:9Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.
Isaiah 1:14Namumuhi ako sa mga bagong buwan at mga pista ninyo; pabigat sila sa akin; pagod na akong tiisin sila.
Isaiah 7:13Kaya tumugon si Isaias, “Makinig ka, sambahayan ni David. Hindi pa ba sapat para inyo na subukin ang pagtitimpi ng mga tao? Kailangan mo bang subukin din ang pagtitimpi ng aking Diyos?
Jeremiah 6:20“Ano ang kahulugan para sa akin ng pag-angat ng kamanyang mula sa Sheba? O ng mga mabangong samyo na ito mula sa malayong lupain? Hindi katanggap-tanggap sa akin ang inyong mga handog na susunugin ni ang inyong mga alay.