Isaias 43:25
Ako, oo, ako, ang siyang nag-aalis ng iyong mga kasalanan para sa aking kapakanan; at hindi ko na tatandaan pa ang iyong mga kasalanan kahit kailan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 25:11Alang-alang sa iyong pangalan, Yahweh, patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki.
Psalms 51:4Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala at sa iyong paningin ginawa kung ano ang napakasama; matuwid ka kapag nagsasalita; tama ka kapag humahatol.
Psalms 79:8Huwag ibilang ang mga kasalanan ng aming mga ninuno laban sa amin; dumating nawa ang mga mahabaging pagkilos mo sa amin, dahil napakahina namin.
Isaiah 1:18“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
Isaiah 38:17Ito ay sa kabutihan ko na naranasan ko ang ganoong kalungkutan. Niligtas mo ako sa hukay ng pagkawasak; dahil tinapon mo lahat ng aking kasalanan sa iyong likuran.
Isaiah 44:22Isinantabi ko, tulad ng makapal na ulap, ang iyong mga mapanghimagsik na mga gawain; at gaya ng isang ulap, ang iyong mga kasalanan; manumbalik ka sa akin, sapagkat tinubos kita.