Isaiah 44:2
Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang lumikha sa iyo at humubog sa iyo sa sinapupunan at siyang tutulong sa iyo: Huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod; at ikaw, Jeshurun, na aking pinili.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Ngayon makinig ka, Jacob aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
Cross References
Deuteronomy 32:15Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
Psalms 46:5Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya ay hindi matitinag; tutulungan siya ng Diyos, at gagawin niya ito sa pagbubukang-liwayway.
Psalms 95:6O halika, tayo ay magpuri at yumukod; tayo ay lumuhod sa harapan ni Yahweh, ang ating tagapaglikha:
Isaiah 41:14Huwag matakot, Jacob ikaw na uod, at kayong mga Israelita; tutulungan ko kayo” — ito ang pahayag ni Yahweh, ang iyong tagapagligtas, ang Banal ng Israel.
Isaiah 43:5Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
Isaiah 43:21Ang bayang ito na aking hinubog para sa aking sarili, para isalaysay nila ang aking kapurihan.