Isaiah 44:20
Para bang siyang kumakain ng abo; ang kaniyang nadayang puso ay niligaw siya. Hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili, ni masabi, “Ang bagay na ito sa aking kanang kamay ay isang bulaang diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 22:20Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.
Job 15:31Huwag siyang hayaang magtiwala sa mga walang kabuluhang bagay, nililinlang niya ang kaniyang sarili; dahil ang walang pakinabang ang kaniyang magiging gantimpala.
Proverbs 15:14Ang puso ng umuunawa ay humahanap ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kahangalan.
Isaiah 59:3Dahil ang inyong mga kamay ay narumihan ng dugo at ang inyong mga daliri ng kasalanan. Ang inyong mga labi ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at ang inyong dila ay nagsasalita ng may malisya.
Jeremiah 16:19Yahweh, ikaw ang aking matibay na tanggulan, aking kanlungan, aking ligtas na lugar sa panahon ng kabagabagan. Ang mga bansa ay pupunta sa iyo mula sa wakas ng lupa at magsasabi, “ Tunay na ang aming mga ninuno ay nagmana ng panlilinlang. Wala silang alam; walang pakinabang sa kanila.
Hosea 12:1Pinapakain si Efraim sa hangin at sumusunod sa hanging silangan. Patuloy siyang nagpaparami ng mga kasinungalingan at karahasan. Gumawa sila ng kasunduan kasama ang Asiria at nagdala ng langis ng Olibo sa Egipto.