Isaiah 45:12
Aking nilikha ang lupa at nilalang ang tao mula rito. Itong aking mga kamay ang naglatag ng kalangitan, at aking inutos sa lahat ng mga bituin na lumitaw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:26Sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo.
Nehemiah 9:6Ikaw si Yahweh. Ikaw lamang. Ginawa mo ang langit, ang pinakamataas na kalangitan, kasama ng lahat ng kanilang mga anghel na nakahanda para sa digmaan, at ang lupa at lahat nang naroon, at ang mga dagat at lahat ng nasa kanila. Nagbigay ka ng buhay sa kanilang lahat, at ang hukbo ng mga anghel ng langit ay sumasamba sa iyo.
Isaiah 40:12Sino ang sumukat ng katubigan sa guwang ng kaniyang palad, sinukat ang lapad ng himpapawid, hinawakan ng alikabok ng mundo sa isang sisidlan, timbangin ang mga kabundukan o ang mga burol sa timbangan?
Isaiah 40:26Tumingala ka sa himpapawid! Sino ang lumikha ng lahat ng mga bituin? Pinangungunahan niya ang kanilang mga pagkakaayos at tinatawag silang lahat sa pangalan. Sa kadakilaan ng kaniyang lakas at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan, walang isang mawawala.
Isaiah 42:5Ito ang sinabi ni Yahweh ating Diyos, na siyang lumikha ng kalangitan at naglatag sa kanila; siyang naglatag ng mundo at binigyang buhay ito; siyang nagbigay ng hininga sa mga tao doon, at buhay sa mga namumuhay doon:
Isaiah 45:18Ito ang sinasabi ni Yahweh, na lumikha ng kalangitan, ang tunay na Diyos na gumawa ng lupa at lumikha nito, na siyang nagtatag nito. Kaniyang nilikha ito, hindi para masayang, para panahanan: “Ako si Yahweh, at wala akong kapantay.