Isaiah 45:13
Pinakilos ko si Ciro sa katuwiran, at tutuwirin ang lahat ng kaniyang mga landas. Itatayo niya ang aking lungsod; pauuwiin niya ang aking bayang ipinatapon, nang walang kapalit na bayad o suhol, “sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:23“Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain.”
Psalms 65:5Sasagutin mo kami sa iyong katuwiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga kamangha-manghang mga bagay, Diyos ng aming kaligtasan; ikaw na siyang pinagtitiwalaan ng lahat sa dulo ng daigdig at sa malalayong ibayo ng dagat.
Isaiah 41:2Sinong nagbuyo ng isang ito sa silangan? Sino ang tumatawag sa kaniya sa mabuting kaayusan sa kaniyang paglilingkod? Siya ang nagbigay ng mga bansa sa kaniya at ginawa siyang may kakayahan na pasukuin ang mga hari; sila ay ginawang tulad ng alikabok sa kaniyang espada, parang hinipang pinaggapasan gamit ang palaso.
Isaiah 42:6“Ako, si Yahweh, ang tumawag sa iyo sa katuwiran at hahawak sa iyong kamay. Iingatan kita at itatakda kita bilang tipan para sa mga tao, bilang isang liwanag para sa mga dayuhan,
Isaiah 46:11Tumatawag ako ng ibong mangdadagit mula sa silangan, ng taong aking pinili mula sa malayong lupain; Oo, ako ay nagsalita; tutuparin ko rin ito; ako ang nagplano; ako rin ang gagawa nito.
Isaiah 48:15Ako, Ako ay nagsalita, oo, Ako ang tumawag sa kaniya, Ako ang nagdala sa kaniya, at magtatagumpay siya.