Isaiah 45:16
Mapapahiya at kahiya-hiya silang lahat; silang mga gumagawa ng diyus-diyosan ay lalakad sa kahihiyan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Tunay nga na ikaw ay isang Diyos na kinukubli ang iyong sarili, Diyos ng Israel, na Tagapagligtas.
Cross References
Psalms 97:7Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
Isaiah 42:17Sila ay tatalikuran, at sila ay ganap na mailalagay sa kahihiyan, silang nagtitiwala sa mga inukit na mga diyos-diyusan, na nagsasabi sa mga hinulmang bakal na mga diyus-diyosan, “kayo ang aming mga diyos.”
Isaiah 44:11Masdan mo, ang lahat ng kaniyang mga kasama ay ilalagay sa kahihiyan; ang mga mang-uukit ay tao lamang. Hayaan mo silang magsama-sama sa kanilang paninindigan; sila ay yuyukod at malalagay sa kahihiyan.
Jeremiah 2:26Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ng Israel. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, at mga propeta!