Isaias 45:20
Tipunin ang inyong mga sarili at lumapit! Magsama-sama kayong mga nakasumpong ng kanlungan mula sa mga bansa! Sila ay walang nalalaman, sila na nagdadala ng larawang inukit at nanalangin sa mga diyos na hindi nakapagliligtas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 18:26At kanilang kinuha ang toro na nakalaan sa kanila at inihanda ito, at tinawag ang pangalan ni Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat, sinasabi, “Baal, pakinggan mo kami. “Pero walang tinig, o sinumang sumagot. Sila ay nagsayaw sa paligid ng altar na kanilang ginawa.
2 Chronicles 28:23Sapagkat nag-alay siya sa mga diyos ng Damasco, mga diyos na tumalo sa kaniya. Sinabi niya, “Dahil tinulungan sila ng mga diyos ng mga hari ng Syria, mag-aalay ako sa kanila, upang matulungan nila ako.” Ngunit sila ang sumira sa kaniya at sa buong Israel.
Isaiah 4:2Sa araw na iyon, ang sanga ni Yahweh ay gaganda at maluluwalhati, at ang bunga ng lupain ay magiging masarap at kasiya-siya para sa mga nakaligtas sa Israel.
Isaiah 41:21“Ihain mo ang iyong kaso”, sabi ni Yahweh, “sabihin mo ang iyong pinakamagagaling na katuwiran para sa iyong mga diyus-diyusan', sabi ng Hari ni Jacob.
Isaiah 43:9Ang lahat ng bansa ay sama-samang magtitipon, at magpupulong ang mga bayan. Sino sa kanilang ang maaaring makapagsasabi nito at makapagpapahayag ng mga unang kaganapan? Hayaan silang dalhin ang kanilang saksi para patuyan na sila ay tama, hayaan silang makinig at pagtibayin, 'ito ay katotohanan,'
Isaiah 44:10Sino ang huhulma ng isang diyos o maghuhugis ng diyus-diyosan na walang halaga?