Isaiah 46:9
Isipin ninyo ang mga unang pangyayari, mga nakaraang panahon, dahil ako ang Diyos, wala ng iba, Ako ay Diyos, at walang ibang katulad ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Tandaan ninyo ang mga bagay na ito; huwag ninyo itong balewalain, kayong mga suwail!
Cross References
Exodus 15:11Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
Deuteronomy 33:26Walang sinumang katulad ng Diyos, Jesurun— isang matuwid, na nakasakay sa kalangitan para tulungan ka, at sa kaniyang kaluwalhatian sa mga ulap.
Job 10:13Gayon man itinago mo ang mga bagay na ito sa iyong puso—alam ko ito ang iyong iniisip:
Psalms 78:2Bubuksan ko ang aking bibig sa mga talinhaga; aawit ako tungkol sa mga bagay na lihim tungkol sa nakaraan.
Psalms 111:4Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay na maaalala; si Yahweh ay mapagbigay-loob at maawain.
Isaiah 43:10Kayo ang aking mga saksi, “ipinapahayag ni Yahweh, “at aking lingkod na aking pinili, para malaman ninyo at maniwala kayo sa akin, at inyong mauunawaan na Ako ay siya nga. Walang nilikhang ibang diyos sa aking harapan, at walang makasusunod sa akin.