Isaiah 46:13
Aking inilalapit ang aking kabanalan; ito ay hindi malayo at ang pagliligtas ko ay hindi maghihintay; at Ibibigay ko ang kaligtasan sa Sion at ang aking kagandahan sa Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Makinig kayo sa akin, kayong mga taong matitigas ang ulo; na malayo sa paggawa ng matuwid.
Cross References
Psalms 14:7Oh, ang kaligtasan ng Israel ay manggagaling mula sa Sion! Kapag binalik ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel!
Psalms 46:5Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya ay hindi matitinag; tutulungan siya ng Diyos, at gagawin niya ito sa pagbubukang-liwayway.
Isaiah 12:2Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
Isaiah 43:7ang lahat ng tumatawag sa aking pangalan, na aking nilikha para sa aking kaluwalhatian, na aking hinubog, oo, na aking ginawa.
Isaiah 45:8Kayong mga langit, ibagsak ninyo ang ulan mula sa itaas! Hayaan ang mga himpapawid na umulan ng makatarungang kaligtasan. Hayaan ito ay sipsipin ng lupa, nang kaligtasan ay sumibol, at kasama nito tutubo ang katwiran. Ako, si Yahweh, ang lumikha sa kanilang dalawa.
Isaiah 56:1Ito ang sinasabi ni Yahweh. “Sundin kung ano ang tama, gawin kung ano ang makatarungan; dahil malapit na ang aking pagliligtas, at ang aking katuwiran ay ibubunyag na.