Isaiah 46:2
Magkakasama silang yumuyukod at lumuluhod; hindi nila mailigtas ang imahe, at sila mismo ay mapupunta sa pagkabihag.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 18:17Pumunta doon ang limang kalalakihan na nagmanman sa lupain at kinuha nila ang inukit na anyo, ang epod, at ang mga pansambahayang diyos, at ang hinulmang metal na anyo, habang nakatayo ang pari sa bungad ng tarangkahan kasama ang anim na raang armadong kalalakihan ng mga sandatang pandigma.
2 Samuel 5:21Iniwan ng mga taga-Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon, at dinala ni David at kaniyang mga tauhan ang mga ito.
Isaiah 37:12Nailigtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, mga bansang winasak ng aking mga ama: ang Gozan, Haran, Resef, at mamamayan ng Eden sa Telasar?
Isaiah 44:17Siya ay gumagawa ng diyos sa pamamagitan ng tirang kahoy, kaniyang inukit na imahe; at kaniyang niluluhuran ito at ginagalang ito, at nananalangin dito at sinasabing, “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking diyos.”
Jeremiah 43:12At susunugin ko ang mga templo ng mga diyus-diyosan ng Egipto. Susunugin sila o sasakupin ni Nebucadnezar. Lilinisin niya ang lupain ng Egipto tulad ng mga pastol na nagtatanggal ng kuto sa kanilang kasuotan. Lalabas siya na matagumpay sa lugar na iyon.
Hosea 10:5Matatakot ang mga naninirahan sa Samaria dahil sa mga guya ng Beth-aven. Ipinagluksa sila ng mga tao nito, gaya ng ginawa ng mga paring sumasamba sa mga diyus-diyosan na nagalak sa kanila at sa kanilang kaluwalhatian, ngunit wala na sila roon.