Isaiah 47:6
Nagalit ako sa aking bayan; dinungisan ko ang aking pamana at binigay ko sila sa iyong kamay, pero hindi mo sila pinakitaan ng awa; nagpatong ka ng napakabigat na pamatok sa mga matatanda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:50isang bansa na mayroong mabangis na mga pagpapakilala na walang paggalang sa mga matatanda, ni kabutihang-asal para sa mga bata.
2 Chronicles 10:11Kaya ngayon, bagaman pinapasan kayo ng aking ama ng isang mabigat na pasanin, dadagdagan ko pa ang inyong mga pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”'
2 Chronicles 36:17Kaya dinala ng Diyos sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng mga tabak sa santuwaryo at walang habag sa mga kabataang lalaki o mga birhen, mga matatandang lalaki o ang mga puti na ang buhok. Ibinigay silang lahat ng Diyos sa kaniyang kamay.
Ezra 5:12Gayunman, nang ginalit ng aming mga ninuno ang Diyos ng langit, ibinigay niya sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na siyang sumira ng bahay na ito at ipinatapon ang mga tao sa Babilonia.
Isaiah 10:6Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
Isaiah 14:17na siyang nagbagsak ng mga lungsod at ang siyang hindi nagpauwi sa mga bilanggo sa kanilang mga tahanan?