Isaiah 48:2
Dahil tinatawag nila ang mga sarili nilang mga mamamayan ng banal na lungsod at nagtitiwala sa Diyos ng Israel; Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 17:13Pagkatapos sinabi ni Mica, “Ngayon alam kong may gagawing maganda para sa akin si Yahweh, dahil naging mga pari ko ang Levitang ito.”
Nehemiah 11:1Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem, at ang naiwang mga tao ay nagpalabunutan para dalhin ang isang pamilya mula sa sampu na manirahan sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at ang iba pang siyam ay nanatili na sa ibang mga bayan.
Psalms 48:1Dakila si Yahweh at lubos na dakila para purihin, sa lungsod ng ating Diyos sa kaniyang bundok na banal.
Isaiah 10:20Sa araw na iyon, ang mga naiwan sa Israel, ang pamilya ni Jacob na nakatakas, ay hindi na patuloy aasa sa sumakop sa kanila, bagkus kay Yahweh na sila aasa, Ang Banal ng Israel.
Isaiah 51:13Bakit ninyo nakalimutan si Yahweh na inyong Manlilikha, na umunat ng kalangitan at naglatag ng mga pundasyon ng mundo? Kayo ay nasa patuloy na pangamba araw-araw dahil sa nag-aalab na galit ng mang-aapi kapag nagpasya siyang magwasak. Nasaan ang galit ng mang-aapi?
Isaiah 52:1Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.