Isaiah 52:1
Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:2Dapat kang gumawa ng kasuotan para kay Aaron, na iyong kapatid, na inihandog para sa akin. Ang kasuotang ito ay magiging kaniyang karangalan at kagandahan.
Nehemiah 11:1Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem, at ang naiwang mga tao ay nagpalabunutan para dalhin ang isang pamilya mula sa sampu na manirahan sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at ang iba pang siyam ay nanatili na sa ibang mga bayan.
Isaiah 1:21Naging babaeng bayaran ang tapat na lungsod! Siya na dating puno ng katarungan ay puno ng katuwiran, pero ngayon puno siya ng mamamatay-tao.
Isaiah 26:2Buksan ang mga tarangkahan, para ang matuwid na bansa na nananatiling tapat na nananampalataya ay maaring makapasok.
Isaiah 48:2Dahil tinatawag nila ang mga sarili nilang mga mamamayan ng banal na lungsod at nagtitiwala sa Diyos ng Israel; Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
Isaiah 51:17Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, Jerusalem, ikaw na ininom ang mangkok ng galit ni Yahweh mula sa kaniyang kamay; ikaw na ininom ang mangkok, ang mangkok ng pagsuray, at inubos mo ito.