Isaiah 49:4
Kahit na inakala kong nagsikap ako para sa wala, ginamit ko ang aking lakas para sa wala, pero ang aking katarungan ay na kay Yahweh, at ang aking gantimpala ay nasa Diyos ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:20Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
Psalms 22:22Ihahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
Isaiah 40:10Masdan niyo, ang Panginoon na si Yahweh ay dumadating bilang matagumpay na mandirigma, at ang kaniyang malakas na bisig ang namumuno para sa kaniya. Tingnan mo, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gantimpala ay nauuna sa kaniya.
Isaiah 53:12Kaya ibibigay ko sa kanya ang kanyang kabahagi sa gitna ng maraming tao, at hahatiin niya ang mga nasamsam sa karamihan, dahil inilantad niya ang kanyang sarili sa kamatayan at ibinilang siyang kasama ng mga makasalanan. Dinala niya ang kasalanan ng marami at namagitan siya para sa mga makasalanan.
Isaiah 65:2Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamay sa isang bayang matigas ang ulo, na lumalakad sa masamang daan, na sumunod sa sarili nilang mga kaisipan at mga plano.
Ezekiel 3:19Ngunit kung bibigyan mo ng babala ang masama, at hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kasamaan o sa kaniyang masasamang gawain, mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, ngunit maililigtas mo ang iyong sariling buhay.