Isaiah 5:14
Kaya nga lalong naging matakaw ang kamatayan at ibinuka ang bibig nito nang malaki; ang mga maharlika, ang mga tao, ang kanilang mga pinuno at ang mga nagdiriwang at nagsasaya, ay bumagsak sa sheol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Ang tao ay ibinagsak, ang dakila ay ibinaba, at ang mga mata ng mayayabang ay inilugmok.
Cross References
1 Samuel 25:36Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway.
Psalms 49:14Itinatalaga sila tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan.
Proverbs 1:12Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay.
Proverbs 30:16Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.”
Isaiah 21:4Kumakabog ang aking puso; nanaig sa akin ang panginginig; ang gabi na aking ninanais ay naging panginginig para sa akin.
Ezekiel 32:18“Anak ng tao, tumangis ka para sa mga tagapaglingkod ng Egipto at ihagis mo sila pababa, siya at ang mga anak na babae ng maharlikang mga bansa—sa pinakamababang bahagi ng lupa kasama ang mga bumaba na sa hukay!