Isaiah 18:3
Lahat kayong nananahan sa mundo at lahat kayong namumuhay sa lupain, kapag may itinaas na panghudyat sa mga kabundukan, tingnan ninyo; at kapag hinipan ang trumpeta, pakinggan ninyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 50:1Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Isaiah 5:26Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
Isaiah 11:12Maglalagay siya ng bandila para sa mga bansa at titipunin ang mga taga-Israel at Juda na tinapon mula sa apat na sulok ng mundo.
Isaiah 13:4Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, ay gaya ng maraming tao! Ang ingay ng kaguluhan sa mga kaharian ay gaya ng maraming bansa na nagtipon-tipon! Tinitipon ni Yahweh ng mga hukbo ang mga kawal para sa labanan.
Jeremiah 22:29O Lupa, Lupa, Lupa! Pakinggan mo ang salita ni Yahweh!
Micah 6:2Makinig sa paratang ni Yahweh, kayong mga bundok at kayong matatag na pundasyon ng mundo. Sapagkat may paratang si Yahweh sa kaniyang mga tao at ipaglalaban niya sa hukuman laban sa Israel.