Isaias 50:2
Bakit nagpunta ako pero walang naroroon? Bakit tumawag ako pero walang sumagot? Masyado bang maiksi ang kamay ko para tubusin kayo? Wala ba akong kapangyarihan para iligtas kayo? Tingnan ninyo, sa aking pagsasaway natutuyo ko ang dagat; ginagawa kong disyerto ang mga ilog; namamatay ang mga isda nito dahil sa kakulangan ng tubig at nabubulok.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Dinadamitan ko ang himpapawid ng kadiliman; tinatakpan ko ito ng sako.”
Cross References
Genesis 18:14Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki.
Exodus 7:21Ang mga isda sa ilog ay namatay, at ang ilog ay nagsimulang mangamoy. Hindi makainom ang mga taga-Ehipto ng tubig mula sa ilog, at ang dugo ay nasa lahat ng dako sa lupain ng Ehipto.
Exodus 14:29Gayunman, naglakad ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang tubig ay naging isang pader para sa kanila sa kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
Joshua 3:16ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
Psalms 106:9Sinuway niya ang Dagat na Tambo, at natuyo ito. Pagkatapos pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, gaya ng sa ilang.
Psalms 114:3Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan.