Isaiah 52:5
Ngayon, ano ang mayroon ako dito—ito ang pahayag ni Yahweh— nakikita ko ang aking bayan na inilalayo ng walang dahilan? Humahagulgol ang mga namumuno sa kanila—ito ang pahayag ni Yahweh—ang aking pangalan ay patuloy na sinisiraan buong araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:13Pinagtatrabaho ng mabagsik ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
Exodus 3:7Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
Psalms 44:12Ipinagbili mo ang iyong bayan para sa wala; hindi mo napalago ang iyong kayamanan sa paggawa nito.
Psalms 74:10O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?
Psalms 74:22Tumindig ka, O Diyos; ipagtanggol mo ang iyong sariling karangalan; alalahanin mo kung paano ka nilait ng mga hangal buong araw.
Isaiah 22:16'Ano ang pagmamay-ari mo dito, sino ka, na naghukay ka ng libingan? Naghukay ng libingan sa kaitaasan, umukit sa bato ng sarili mong libingan!'”