Isaiah 56:6
Gayon din ang mga dayuhan na umanib kay Yahweh, para maglingkod sa kanya, at nagmamahal sa pangalan ni Yahweh, para sambahin siya, lahat na tumutupad sa Araw ng Pamamahinga at mga nag-iingat na dungisan ito, at mahigpit na pinanghahawakan ang aking tipan,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 44:5Sasabihin ng isa, 'Ako ay kay Yahweh; ' at ang isa ay ipapangalan kay Jacob; at ang isa pa ay isusulat sa kaniyang kamay 'Pag-aari ni Yahweh' at tatawagin sa pangalan ng Israel.”
Isaiah 58:13Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.
Isaiah 61:5Ang mga dayuhan ay tatayo at magpapakain ng inyong mga kawan, at ang mga anak ng mga dayuhan ay magtatrabaho sa inyong mga bukid at mga ubasan.
Ezekiel 47:22At mangyayari na magpapalabunutan kayo para sa mga mana para sa inyong mga sarili at para sa mga dayuhan na nasa inyong kalagitnaan, ang mga nagsilang ng mga bata sa inyong kalagitnaan at nakasama ninyo, tulad ng mga katutubong naipanganak na mga tao ng Israel. Magpapalabunutan kayo para sa mga mana sa mga tribo ng Israel.
Acts 2:41Pagkatapos tinanggap nila ang kaniyang salita at nabautismuhan, at ng araw na iyon may mga naidagdag na aabot sa tatlong libong mga kaluluwa.
Romans 8:28Nalalaman natin na sa mga nagmamahal sa Diyos, sa lahat ng bagay gumagawa siya para sa ikabubuti, ng mga tinawag ayon sa kaniyang layunin.