Isaiah 57:10
Kayo ay napagod mula sa inyong mahabang paglalakbay, pero hindi ninyo kailanman sinabi “Ito ay walang pag-asa.” Natagpuan ninyo ang buhay sa inyong mga kamay; kaya hindi kayo nanghina.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 47:13Pagod ka na sa marami mong pagsangguni; hayaan mong tumayo at iligtas ka ng mga lalaking iyon—sila na tinatala ang kalangitan at tumitingin sa mga bituin, sila na nagpapahayag ng mga bagong buwan—hayaan mo silang iligtas ka mula sa mangyayari sa iyo.
Jeremiah 2:36Bakit ninyo itinuturing na napakadali ng pagbabagong ito sa inyong pamamaraan? Bibiguin ka rin ng Egipto gaya ng ginawa sa iyo ng Asiria.
Jeremiah 5:3Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
Jeremiah 18:12Ngunit sasabihin nila, 'Hindi ito mahalaga. Kikilos kami ayon sa aming sariling mga balak. Gagawin ng bawat isa kung ano ang masama sa kaniya, ang mga ninanais ng kanilang matitigas na puso.'
Ezekiel 24:12Siya ay mapapagod dahil sa mabigat na trabaho, ngunit ang kaniyang kalawang ay hindi matanggal sa kaniya sa pamamagitan ng apoy.
Romans 7:9Minsan akong nabuhay na wala ang kautusan, ngunit nang dumating ang kautusan, muling nabuhay ang kasalanan at namatay ako.