Jeremias 2:36
Bakit ninyo itinuturing na napakadali ng pagbabagong ito sa inyong pamamaraan? Bibiguin ka rin ng Egipto gaya ng ginawa sa iyo ng Asiria.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 28:16Nang mga panahong iyon, nagpadala si Haring Ahaz ng mga mensahero sa mga hari ng Asiria upang pakiusapan silang tulungan siya.
2 Chronicles 28:21Sapagkat sinamsam at pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng mga hari at mga pinuno upang ibigay sa mga hari ng Asiria, ngunit hindi ito nakatulong sa kaniya.
Isaiah 30:1“Kaawa-awa ang mga suwail na anak,” ito ang pahayag ni Yahweh. “Gumagawa sila ng mga plano, pero hindi mula sa akin; gumagawa sila ng mga alyansa sa mga ibang bansa, pero hindi sila ginabayan ng aking Espiritu, kaya nagdadagdag sila ng kasalanan sa kasalanan.
Isaiah 31:1Nakaaawa ang mga bumababa sa Ehipto para humingi ng tulong at umaasa sa mga kabayo, at magtitiwala sa mga karwahe (dahil sila ay marami) at sa mangangabayo (dahil sila ay hindi mabilang). Pero hindi nila isinasaalang-alang ang Banal ng Israel, ni hinahanap nila si Yahweh!
Jeremiah 2:23Paano mo nasasabi, “Hindi ako nadungisan! Hindi ako sumunod sa mga Baal? Tingnan mo ang iyong pag-uugali sa mga lambak! Unawain mo ang iyong ginawa, para kang kamelyo na nagmamadaling tumakbo sa sarili nitong daan!
Jeremiah 22:20Umakyat ka sa mga bundok ng Lebanon at sumigaw. Lakasan mong sumigaw sa Bashan. Sumigaw mula sa mga bundok ng Abarim, dahil lilipulin ang lahat ng iyong mga kaibigan.