Isaias 57:5
Pinapainit ninyo ang inyong mga sarili na magkasamang nagsisiping sa ilalim ng mga puno ng ensena? sa ilalim ng bawat luntiang puno, kayong mga pumapatay ng inyong mga anak sa mga tuyong ilog, sa ilalim ng mga mabatong bangin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:21Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
Numbers 25:1Nanatili ang Israel sa Sitim, at nagsimulang makipagtalik ang mga lalaki sa mga babae ng Moab,
Deuteronomy 12:2Tiyak na wawasakin ninyo ang lahat ng mga lugar kung saan ang mga bansa na inyong tatanggalan ng karapatan na sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan, sa matataas na mga bundok, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang puno;
2 Kings 16:3Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.
2 Kings 17:7Ang pagkakabihag na ito ay naganap dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kapangyarihan ng Faraon hari ng Egipto. Ang mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos at
2 Kings 23:10Nilapastangan ni Josias ang Tofet, na nasa lambak ng Ben Hinom, para walang makapaghandog ng kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae bilang isang sinunog na handog sa apoy para kay Molec.