Leviticus 18:21
Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Huwag sumiping sa ibang kalalakihan gaya sa isang babae. Napakasama nito.
Cross References
Leviticus 20:2“Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
Leviticus 21:6Dapat silang ibukod para sa kanilang Diyos, at hindi ipahiya ang pangalan ng kanilang Diyos, dahil ang mga pari ang naghahandog ng mga alay kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy, ang “pagkain” ng kanilang Diyos. Kaya dapat silang ibukod.
Leviticus 22:32Huwag dapat ninyong ilagay sa kahihiyan ang aking banal na pangalan. Dapat akong kilalanin bilang banal ng mga bayan ng Israel. Ako si Yahweh na inaalay ko sa inyong sarili.
Deuteronomy 12:31Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
1 Kings 11:7Pagkatapos nagpatayo si Solomon ng isang dambana para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab, sa burol na nasa silangan ng Jerusalem, at para din kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Ammonita.
2 Kings 16:3Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.