Isaiah 58:2
Gayun pa man ako ay sinisiyasat nila araw-araw at nasisiyahan sa kaalaman ng aking mga paraan, katulad ng isang bansa na isinasabuhay ang katuwiran at hindi tinalikuran ang batas ng kanilang Diyos. Sila ay humingi sa akin ng makatuwirang mga paghatol; sila ay nasisiyahan na lumalapit sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 5:28Narinig ni Yahweh ang inyong boses nang mangusap kayo sa akin. Sinabi niya sa akin, 'Narinig ko ang mga salita ng mga taong ito, kung ano ang kanilang sinabi sa iyo. Mabuti ang sinabi nila sa iyo.
Proverbs 15:8Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga pag-aalay ng mga masasamang tao, pero kasiyahan sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid na tao.
Isaiah 29:13Sinabi ng Panginoon, “Ang bayang ito ay lumalapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinararangalan ako gamit ang kanilang mga labi, pero malayo ang kanilang puso sa akin. Ang pagpaparangal nila sa akin ay isang kautusan na itinuro ng mga tao.
Isaiah 48:1Pakinggan ninyo ito, sambahayan ni Jacob, na tinawag sa pangalang Israel, at mula sa semilya ni Juda; kayo na nanunumpa sa pangalan ni Yahweh at tinatawag ang Diyos ng Israel, pero hindi taos-puso o sa matuwid na paraan.
Jeremiah 42:20Sapagkat babayaran ninyo ng inyong mga buhay nang isugo ninyo ako kay Yahweh na inyong Diyos at sinabi na, 'Ipanalangin mo kami kay Yahweh na ating Diyos. Lahat ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos, sabihin mo sa amin, at gagawin namin ito.
Ezekiel 33:30At ikaw, anak ng tao—nagsasabi ang iyong mga tao ng mga bagay tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga tarangkahan ng mga tahanan, at nagsasabi ang isa—sa bawat lalaki sa kapatid niyang lalaki, 'Pumaroon tayo at makinig sa salita ng propeta na mula kay Yahweh!'