Isaias 58:1
“Umiyak ka ng malakas, huwag mong pigilin, lakasan mo ang iyong tinig katulad ng isang trumpeta, harapin mo ang aking bayan sa kanilang pagrerebelde, at ang angkan ni Jacob kasama ng kanilang mga kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 40:9Pinahayag ko ang magandang balita ng iyong katuwiran sa malaking pagtitipon; Yahweh, alam mong hindi ko mapipigilan ang labi ko sa pagsasabi nito.
Isaiah 40:6Sinabi ng tinig, “umiyak”. Sumagot ang isa “Ano ang dapat kong iiyak?” “Ang lahat ng laman ay damo, at lahat ng kanilang katapatan sa tipan ay tulad ng bulaklak sa bukid.
Isaiah 56:10Lahat ng kanilang mga bantay ay mga bulag; hindi sila nakakaunawa; silang lahat ay mga asong pipi; sila ay hindi makatahol; nananaginip, nakahiga at mahilig matulog.
Jeremiah 1:17Ihanda mo ang iyong sarili! Tumayo ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang manlupaypay sa kanila, baka panlupaypayin kita sa harapan nila!
Jeremiah 15:19Kaya sinabi ito ni Yahweh, “Kung magsisisi ka Jeremias, panunumbalikin kita at tatayo ka sa aking harapan at maglilingkod sa akin. Sapagkat kapag pinaghiwalay mo ang mga bagay na walang kabuluhan sa mga mahahalagang bagay, magiging tulad ka ng aking bibig. Babalik sa iyo ang mga tao, ngunit dapat hindi ikaw ang mismong bumalik sa kanila.
Ezekiel 2:3Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, sinusugo kita sa mga tao ng Israel, sa suwail na bansang naghimagsik laban sa akin—nagkasala sila at ng kanilang mga ninuno laban sa akin hanggang sa panahong ito!