Isaiah 58:7
Hindi ba ito para ipamahagi ang inyong tinapay sa nagugutom at dalhin ang dukha at walang tahanan sa inyong bahay?” Kapag nakakita kayo ng isang taong nakahubad, dapat ninyo siyang bihisan; at hindi ninyo dapat itago ang inyong sarili mula sa sarili ninyong mga kamag-anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 19:2Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
Judges 9:2“Pakiusap sabihin mo ito, para makarinig ang lahat ng mga pinuno ng Shekem, 'Ano ang mas mabuti para sa inyo: maghari sa inyo ang lahat ng pitumpung anak na lalaki ni Jerub Baal, o isa lang ang maghari sa inyo?' Alalahaning ako ay inyong buto at inyong laman.”
2 Chronicles 28:15Ang mga lalaking itinalaga ay tumayo at kinuha ang mga bilanggo at dinamitan ang mga walang kasuotan mula sa mga nasamsam. Dinamitan nila sila at binigyan sila ng sandalyas. Binigyan sila ng makakain at inumin. Ginamot nila ang kanilang mga sugat at isinakay ang mga nanghihina sa mga asno. Ibinalik sila sa kanilang mga pamilya sa Jerico, (na tinatawag na lungsod ng mga Palma). Pagkatapos bumalik sila sa Samaria.
Job 22:7Hindi mo binigyan ng tubig na maiinom ang mga nanghihina; nagdamot ka ng tinapay mula sa mga nagugutom
Job 31:19kung nakita ko ang sinuman na namatay dahil sa kakulangan ng pananamit, o kung nakita ko ang isang nangangailangang tao na walang pananamit;
Proverbs 11:17Ang isang mabait na tao ay makikinabang sa kanyang sarili, pero ang isang taong malupit ay sinasaktan ang kaniyang sarili.