Isaias 59:1
Pagmasdan ninyo, Ang kamay ni Yahweh ay hindi napakaigsi para hindi ito makapagligtas; ni ang kaniyang pandinig ay napakahina, para hindi ito makarinig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 11:23Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Maiksi ba ang kamay ko? Ngayon makikita mo kung totoo ang aking salita.''
1 Samuel 8:18Pagkatapos sa araw na iyon, tatangis kayo dahil sa haring pinili ninyo para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ni Yahweh sa araw na iyon.”
Isaiah 6:10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito, gawin mong bingi ang kanilang mga tainga, at bulagin mo ang kanilang mga mata para hindi sila makakita o hindi sila makarinig at hindi makaunawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila sa akin at sila ay gagaling.”
Isaiah 50:2Bakit nagpunta ako pero walang naroroon? Bakit tumawag ako pero walang sumagot? Masyado bang maiksi ang kamay ko para tubusin kayo? Wala ba akong kapangyarihan para iligtas kayo? Tingnan ninyo, sa aking pagsasaway natutuyo ko ang dagat; ginagawa kong disyerto ang mga ilog; namamatay ang mga isda nito dahil sa kakulangan ng tubig at nabubulok.
Isaiah 63:1Sino itong dumarating mula sa Bozra, nasa Edom, na nakadamit na pula? Sino siyang naka maharlikang kasuotan, nagmamartsa nang may katiyakan dahil sa kanyang dakilang kalakasan? Ako ito na nagsasalita ng katuwiran at may makapangyarihang kakayanan magligtas.
Jeremiah 32:17'Oh, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Ikaw lamang ang lumikha sa kalangitan at sa lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng iyong nakataas na braso. Wala kang sinabi na napakahirap para sa iyo na gawin.