Isaias 59:12
Dahil ang aming maraming paglabag sa iyong kautusan ay nasa harapan mo, at ang aming mga kasalanan ay magpapatotoo laban sa amin; dahil ang aming mga pagkakasala ay nasa amin, at nalalaman namin ang aming mga kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 9:6Sinabi ko, 'Aking Diyos, hiyang-hiya ako at nasa lubos na kahihiyan upang itingala ang aking mukha sa iyo, sapagkat ang aming mga kasamaan ay lumagpas na sa aming mga ulo at umabot na ang aming kasalanan sa kalangitan.
Nehemiah 9:33Ikaw ay makatuwiran sa lahat ng bagay na dumating sa amin, dahil matapat mo kaming pinakitunguhan, at kami ay kumilos nang may kasamaan.
Isaiah 3:9Ang mga mukha nila ay tumetestigo laban sa kanila; at pinagsasasabi nila ang mga kasalanan nila gaya ng Sodom; hindi nila itinatago ito. Kaaawa-awa sila! Dahil nagdulot sila ng sakuna sa mga sarili nila.
Jeremiah 3:2Tumingala ka sa mga tigang na burol at tingnan mo! Saan ka hindi nakipagsiping? Nakaupo ka sa mga tabing-daan at hinihintay ang iyong mga mangingibig, gaya ng isang taong pagala-gala sa ilang. Dinungisan mo ang lupain ng iyong kahalayan at kasamaan.
Jeremiah 5:25Ang inyong mga kasamaan ang pumigil upang mangyari ang mga bagay na ito. Ang inyong mga kasalanan ang pumigil sa mga mabubuting bagay na dumating para sa inyo.
Jeremiah 14:7Kahit na nagpapatotoo laban sa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumilos ka para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasala kami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng aming pananampalataya.