Isaiah 6:9
Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga taong ito, makinig man kayo, hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo, hindi kayo makakikita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 28:13Kaya ang salita ni Yahweh ay mapapasakanila, utos pagkaraan ng utos; panuntunan pagkaraan ng panuntunan, panuntunan pagkaraan ng panuntunan; kaunti dito, kaunti doon; nang sa gayon sumulong sila at mabuwal, at masaktan, mahulog sa bitag at mabihag.
Isaiah 30:8Ngayon humayo kayo, isulat ninyo sa kasama sila sa isang bato, at itala ito sa isang balumbon, para mapanatili ito para sa darating na panahon bilang isang katibayan.
Isaiah 43:8Ilabas ang mga bulag na may mga mata, at ang bingi, kahit siya ay may mga tainga.
Jeremiah 15:1At sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na tumayo sa aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin ako maaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapan para makapunta sa malayo.
Matthew 13:14Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
Luke 8:10Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang mga hiwaga sa kaharian ng Diyos, ngunit ang ibang mga tao ay tuturuan lamang sa mga talinghaga, kaya tumingin man sila ay hindi talaga sila makakakita, at makinig man sila ay hindi talaga sila makakaunawa.