Isaias 60:12
Sa katunayan, ang mga bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa inyo ay maglalaho; ang mga bansang iyon ay ganap na mawawasak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 14:2Dadalahin sila ng mga bansa sa kanilang lugar. Pagkatapos, kukunin sila ng bayan ng Israel sa lupain ni Yahweh bilang lalaki at babaeng mga alipin. Mabibihag nila ang mga bumihag sa kanila, at pamumunuan nilang lahat ng mga nang-api sa kanila.
Isaiah 54:15Masdan, kung sinuman ang mag-uumpisa ng kaguluhan, hindi ito magmumula sa akin; ang sinumang mag-uumpisa ng kaguluhan sa inyo ay babagsak sa pagkatalo.
Daniel 2:35At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.
Zechariah 12:2“Tingnan mo, gagawin kong isang tasa ang Jerusalem na magdudulot sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kaniya para magpasuray-suray; magiging ganito rin ang Juda sa panahon ng paglusob laban sa Jerusalem.
Zechariah 14:17At mangyayari na kung hindi aakyat sa Jerusalem ang sinuman mula sa lahat ng bansa sa mundo upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, hindi magbibigay ng ulan si Yahweh sa kanila.
Matthew 21:44Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”