Zechariah 12:2
“Tingnan mo, gagawin kong isang tasa ang Jerusalem na magdudulot sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kaniya para magpasuray-suray; magiging ganito rin ang Juda sa panahon ng paglusob laban sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 75:8Dahil hawak ni Yahweh ang kopa na may bumubulang alak sa kaniyang kamay, na may halong mga pampalasa, at ibinubuhos ito. Tunay nga, ang lahat ng masasama sa daigdig ay iinumin ito hanggang sa huling patak.
Isaiah 51:22Ang iyong Panginoong si Yahweh, na iyong Diyos, na nakikiusap para sa kapakanan ng kaniyang bayan, ay sinasabi ito, “Tingnan mo, kinuha ko ang kopa ng pagsuray mula sa iyong kamay—ang kopa ng tasa ng aking galit—para hindi mo na ito iinumin muli.
Jeremiah 25:15Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang saro ng alak ng matinding galit sa aking mga kamay at painumin mo ang lahat ng mga bansa kung saan kita isusugo.
Jeremiah 49:12Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, ang mga hindi nararapat dito ay dapat uminom ng kaunti sa tasa. Iniisip ba ninyo na aalis kayo ng walang kaparusahan? Hindi, sapagkat tiyak na iinom kayo.
Jeremiah 51:57Dahil lalasingin ko ang lahat ng kaniyang mga prinsipe, mga pantas, mga opisyal at mga kawal, at matutulog sila nang walang hanggan at hindi na magigising pa. Ito ang pahayag ng Hari. Ang kaniyang pangalan ay Yahweh ng mga hukbo.”
Zechariah 14:14Makikipaglaban din ang Juda sa Jerusalem. Titipunin nila ang lahat ng kayamanan ng mga karatig bansa— ginto, pilak, at mga magagandang kasuotan na talagang sagana.