Isaiah 60:9
Ang mga baybaying-lugar ay maghahanap sa akin, at nangunguna ang mga barko sa Tarsis, para dalhin ang inyong mga anak na lalaki mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na dala nila, para sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos, at para sa Banal ng Israel, dahil kayo ay pinarangalan niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 9:27Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan.”
Exodus 33:19Sinabi ni Yahweh, “Gagawin ko ang lahat ng aking kabutihan sa inyo, at ipapahayag ko ang aking pangalang 'Yahweh' sa inyo. Magiging maawain ako sa kaninoman na magiging maawain, at magpapakita ako ng habag sa kaninoman na magpapakita ng habag.”
Joshua 9:9Sinabi nila sa kaniya, “Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto—
1 Kings 10:1Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong.
1 Kings 22:48Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.
Psalms 72:10Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.