Isaias 60:10
Ang mga anak ng mga dayuhan ay muling magtatayo ng inyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa inyo; kahit sa aking matinding galit kayo ay pinarusahan ko, gayon pa man sa aking pabor kinahahabagan ko kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 6:3Sa unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem: 'Maitayo nawa ang tahanan para sa paghahandog. Maitayo nawa ang mga pader nito na may animnapung siko ang taas at animnapung siko ang lapad,
Nehemiah 2:7Pagkatapos sinabi ko sa hari, “Kung makalulugod sa hari, nawa bigyan ako ng mga liham para ibigay sa mga gobernador sa kabilang ilog, para ako ay pahintulutang makaraan sa kanilang mga lupain sa aking pagpunta sa Juda.
Isaiah 12:1Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.
Isaiah 49:23Magiging mga ama-amahan mo ang mga hari, at mga tagapag-alaga mo ang mga reyna nila; yuyuko sila sa iyo na nasa lupa ang mga mukha nila at didilaan nila ang alikabok sa mga paa mo; at malalaman mo na ako si Yahweh; silang naghihintay sa akin ay hindi mapapahiya.”
Isaiah 54:8Sa pagbaha ng aking galit ay pansamantala kong itinago ang aking mukha sa inyo; pero sa pamamagitan ng walang hanggang katapatan sa tipan ay maaawa ako sa inyo—sinasabi ni Yahweh, ang siyang nagliligtas sa inyo.
Isaiah 60:3Ang mga bansa ay lalapit sa inyong liwanag, at ang mga hari sa inyong maliwanag na ilaw na sumisikat.