Isaias 61:6
Kayo ay tatawaging mga pari ni Yahweh; kayo ay tatawagin nilang mga lingkod ng aming Diyos. Kakainin ninyo ang kayamanan ng mga bansa, at ipagmamalaki ninyo ang kanilang mga yaman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:6Ikaw ay magiging kaharian ng mga pari at isang banal na bayan para sa akin. Ito ang mga salitang dapat mong sabihin sa bayan ng Israel.”
Isaiah 23:18“Lahat ng kaniyang mga tinubo at mga kinita ay ilalaan kay Yahweh. Hindi maiimbak ang mga ito o maitatabi. Ang mga nananahan sa presensya ni Yahweh— ang kaniyang paninda ay magiging pagkain sa kanila at para magkaroon ng pangmatagalang kasuotan.
Isaiah 60:5Pagkatapos pagmamasdan mo at magiging makinang, at ang inyong puso ay magagalak at mag-uumapaw, dahil ang kasaganaan ng dagat ay ibubuhos sa inyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa inyo.
Isaiah 60:16Iinumin din ninyo ang gatas ng mga bansa, at sususo sa dibdib ng mga hari; malalaman ninyo na Akong, si Yahweh, ako ang inyong Tagapagligtas at inyong Manunubos, ang Tanging Kalakasan ni Jacob.
Isaiah 66:21Ang iba sa mga ito ay pipiliin ko bilang mga pari at mga Levita— sinabi ni Yahweh.
Ezekiel 14:11Dahil dito, hindi na lilihis sa pagsunod sa akin ang sambahayan ng Israel o ni dudungisan ang kanilang mga sarili sa lahat ng kanilang mga pagsuway kailanman. Magiging mga tao ko sila at ako ang kanilang magiging Diyos—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'