Isaiah 61:7
Sa halip ng inyong kahihiyan magkakaroon kayo ng kasaganaan; at sa halip ng kasiraang-puri sila ay magagalak sa kanilang bahagi. Kaya sila ay magkakaroon ng isang dobleng bahagi ng kanilang lupa; walang-hanggang kagalakan ay mapapasakanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 21:17Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
Job 42:10Nang ipinanalangin ni Job ang kaniyang mga kaibigan, ibinalik ni Yahweh ang yaman niya. Binigay ni Yahweh ang doble ng kung ano ang pag-aari niya dati.
Isaiah 35:10Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Isaiah 51:11Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
Isaiah 60:19Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian.
Zechariah 9:12Bumalik kayo sa matibay na tanggulan, mga bilanggo ng pag-asa! Kahit ngayon, ihahayag ko na babalik ako ng dalawang beses sa inyo,