Isaiah 61:8
Dahil Ako, si Yahweh, ay maibigin sa katarungan, at kinasusuklaman ko ang pagnanakaw at marahas na kawalan ng katarungan. Tapat akong gaganti sa kanila, at aking puputulin ang walang hanggang tipan sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:7Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan.
2 Samuel 23:5Tunay nga, hindi ba gaya nito ang aking sambahayan sa harapan ng Diyos? Hindi ba gumawa siya ng tipan sa akin na walang hanggan, maayos at tiyak sa kahit na anong paraan? Hindi ba pinalago niya ang aking kaligtasan at tinupad ang aking bawat naisin?
Psalms 25:8Si Yahweh ay mabuti at matuwid; kaya itinuturo niya ang daan sa mga makasalanan.
Psalms 33:5Iniibig niya ang katuwiran at katarungan. Ang lupa ay puno ng katapatan sa tipan ni Yahweh.
Psalms 45:7Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
Psalms 99:4Ang hari ay malakas, at minamahal niya ang katarungan. Itinatag mo ang pagkakapantay-pantay; nilikha mo ang makatarungang pamamahala kay Jacob.