Isaias 62:1
Para sa kapakanan ng Sion ako ay hindi mananahimik, at para sa kapakanan ng Jerusalem ako ay hindi tatahimik, hanggang tuloy-tuloy nang magliwanag ang kaniyang katuwiran, at ang kaniyang kaligtasan tulad ng isang nag-aapoy na sulo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 98:1O, umawit kay Yahweh ng bagong awitin, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay; ang kanyang kanang kamay at ang kanyang banal na bisig, ay nagbibigay sa atin ng tagumpay.
Psalms 122:6Manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem! Sila ay giginhawa na nagmamahal sa inyo.
Proverbs 4:18Ngunit ang landas ng isang tao na gumagawa ng matuwid ay katulad ng unang liwanag na patuloy na nagliliwanag; ito ay lalong nagliliwanag hanggang sa kapunuan ng araw ay dumating.
Isaiah 32:15hanggang ibuhos sa atin ang Espiritu mula sa kaitaasan, at ang ilang ay magiging isang bukid na mabunga, at ang bukid na mabunga ay ituturing na isang gubat.
Isaiah 51:9Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
Isaiah 60:2Kahit na ang kadiliman ay magtatakip sa mundo, at makapal na kadiliman sa mga bansa; gayon man si Yahweh ay magliliwanag sa inyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa inyo.